Home > News Mga umano'y tulak na dumayo sa Navotas, tiklo sa buy-bust ABS-CBN News Posted at Nov 29 2022 06:33 AM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more on iWantTFC MAYNILA—Arestado ng pulisya ang dalawa umanong tulak ng ilegal na droga sa buy-bust operation sa Barangay Dagat-Dagatan, Navotas City, Lunes ng gabi. Nakilala ang mga suspek na pawang mga taga-Tondo at dumayo ng Navotas. Nakumpiska sa mga suspek ang pitong plastic sachet na naglalaman ng apat na gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P27,200. Ayon kay kagawad Monie Flores, kadalasang ginagawang “meet up” point ang kanilang lugar ng mga tulak dahil boundary ang kanilang barangay ng iba pang mga lungsod. Authorities push for rehabilitation, deterrence in grassroots approach to fight drugs Sinabi naman ng hepe ng Navotas City Police Station na si P/Col. Dexter Ollaging, mas paiigtingin pa nila ang kanilang kampanya laban sa ilegal na droga lalo na sa mga barangay. Mahaharap naman ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.—Ulat ni Karen De Guzman, ABS-CBN News Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita. Share Facebook Twitter LinkedIn Viber TeleRadyo, Tagalog news Read More: Navotas City droga shabu tulak drugs buy-bust