PatrolPH

P102-M halaga ng shabu sa loob ng tea bag, nasabat sa Caloocan

Jervis Manahan, ABS-CBN News

Posted at Nov 29 2021 06:25 AM

Watch more on iWantTFC

Arestado ang isang lalaki na dealer umano ng shabu matapos mag positibo ang buy-bust operation na isinagawa ng PNP Drug Enforcement Group sa Baesa, Caloocan.

Isinagawa ang operasyon bandang hatinggabi at nahuli nga si alyas Willie.

Nakuha sa suspek ang 15 kilo ng shabu na nakasilid sa mga tea bag. Aabot ang halaga nito sa 102 million pesos.

Ayon sa pulisya, matagal nang binabantayan ang suspek na taga Pasay pa at dumadayo sa Caloocan.

Posibleng bahagi rin umano ng mas malaking sindikato ang suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.