PatrolPH

Catanauan, Quezon pinabulaanan na nabuburo ang Sinovac vaccines

ABS-CBN News

Posted at Nov 29 2021 01:50 PM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA—Pinabulaanan ng alkalde ng bayan Catanauan, Quezon ang ulat na nabuburo umano ang mga COVID-19 vaccine na gawa ng Sinovac dahil ayaw ng mga residente magpaturok nito.

Ayon kay Catanauan Mayor Ramon Orfanel, nauubos ang mga bakuna sa kanilang lugar.

"'Yung report ay hindi ganun ka-accurate sapagkat lahat naman po ng allocation na nadadala dito sa bayan ng Catanauan ng Sinovac ay nauubos po," ani Orfanels sa panayam sa TeleRadyo Lunes.

Nagsagawa aniya ng mga information campaign ang Catanauan na walang katotohanan na hindi ganoon kaepektibo ang Sinovac.

Sinabi ni Dr. Tiong Eng Roland Tan, assistant department head ng integrated provincial health office ng Quezon, na nasa 37,000 na Sinovac vaccine ang hindi pa umano nagagamit at nakaimbak lang sa provincial health office.

“'Yung isang bayan sa Catanauan ang preferred po nila ay Moderna," ani Tan.

Ayon kay Orfanel, nagsimula na rin sila sa 3-day national vaccination days kung saan mga bakunang gawa ng AstraZeneca, Moderna, at Sinovac ang ituturok sa mga residente.

Sa kasalukuyan, may 1 COVID-19 case na lang ang Catanauan.

"[Dati] umaabot kami ng 40 to 50 pero dahan-dahan napababa at sa ngayon isa na lang," sabi ng alkalde.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.