P19 milyong halaga ng ilegal na paputok, sinunog

ABS-CBN News

Posted at Nov 29 2017 01:34 AM

Watch also in iWantTFC

Aabot sa P19 milyong halaga ng mga imported na paputok ang dinispatsa nitong Martes sa isang quarry site sa Rodriquez, Rizal. Tinabunan ng lupa at sinunog ang mga paputok na noon pang 2010 nasabat. Paalala rin ng pulisya, mahigpit na ipatutupad ang batas laban sa mga bawal na paputok sa bisa ng Executive Order 28 ni Pangulong Rodrigo Duterte. Nagpa-Patrol, Jerome Lantin. TV Patrol, Martes, 28 Nobyembre 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.