Chop-chop na bangkay, natagpuan sa septic tank

ABS-CBN News

Posted at Nov 28 2016 11:34 AM

Watch also in iWantTFC

Natagpuan ang putol-putol na bahagi ng katawan ng isang lalaki sa septic tank ng isang KTV bar sa Caloocan, Lunes.

Kinilala ang 46-anyos biktimang si Priscilo Salazar na limang buwan nang nawawala.

Ayon sa imbestigasyon, nakatanggap ng text message mula sa hindi kilalang number ang misis ni Salazar na sinasabing nasa KTV bar sa Barangay 171, Bagumbong Dulo ang bangkay ng mister.

Hinahanap pa ang ulo at binti ng biktima.

Love triangle ang isa sa mga tinitingnang anggulo sa pagpatay kay Salazar habang iniimbestigahan pa kung may kinalaman dito ang may-ari ng KTV bar.

DZMM TeleRadyo, 28 Nobyembre 2016

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.