PatrolPH

Mga deboto dagsa sa huling Biyernes ng Nobyembre sa Quiapo Church

ABS-CBN News

Posted at Nov 26 2021 09:53 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA—Dahil huling Biyernes na ng Nobyembre, dagsa ang mga deboto ng Itim na Nazareno sa Minor Basilica of the Black Nazarene.

Bawat misa ay mabilis na napupuno iyong 70 percent na capacity ng simbahan at punuan na rin ang Plaza Miranda.

Kahapon, nag-ikot ang Manila Police District at ang mga pari ng Quiapo Church bilang paghahanda sa Traslacion 2022. 

Bagaman wala pa ring prusisyon sa ikalawang pagkakataon, idudungaw pa rin ang imahe ng Poong Nazareno sa simbahan. Bawal pa rin ang pahalik dahil sa banta ng COVID-19.—Ulat ni Lady Vicencio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.