Home > News Kalsada sa Mandaluyong nabitak dahil umano sa paglambot ng lupa ABS-CBN News Posted at Nov 26 2021 08:58 AM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more on iWantTFC MAYNILA—Nagkaroon ng malaking bitak ang isang kalsada sa Barangay Hulo sa Mandaluyong CIty na bahagi umano ng pipe-laying project ng isang water concessionaire. Pahayag ng contractor ng proyekto, bahagyang lumambot umano ang lupa kaya bumigay ang kalsada. Pinasok umano ito ng tubig galing sa Pasig River habang sila ay naghuhukay. Kalsadang nagkabitak sa Pasig muli nang madadaanan ng mga motorista Sa ngayon ay tinatapalan na ng semento ang butas para hindi na ito muling pasukin pa ng tubig. Basketball sa kalsada, papayagan na ba sa NCR? MMDA chair sumagot Aabutin ng 3 hanggang 5 araw ang pag-aayos sa kalsada. Tuloy pa rin ang proyekto ng water concessionaire. Nangangamba naman ang mga residente na ang maliliit na bitak ng lupa sa harap ng kanilang mga bahay ay mas lumaki pa at tuluyang bumigay ang lupa. — TeleRadyo 26 Nobyembre 2021 Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Pagbitak ng lupa, pipe-laying project, Mandaluyong CIty, Barangay Hulo, TeleRadyo Read More: Pagbitak ng lupa pipe-laying project Mandaluyong CIty Barangay Hulo TeleRadyo