P300,000 halaga ng droga nasamsam sa 4 na suspek sa Caloocan

ABS-CBN News

Posted at Nov 26 2020 07:47 AM

Watch also in iWantTFC

MAYNILA - Nasamsam ang P300,000 halaga ng droga mula sa 4 na suspek sa magkakahiwalay na operasyon sa Caloocan City.

Arestado ang isang lalaking nasa drugs watchlist ng pulisya matapos makuhanan ng P170,00 halaga ng shabu.

Isang 23-anyos na babae naman ang nahulihan ng mahigit 1,000 gramo ng marijuana na may halagang P128,000 habang alawang lalaki ang nakuhanan ng P18,000 halaga ng shabu.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa COmprehesive Dangerous Drugs Act of 2002.

-- Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.