Home > News #EndTheSemUP: Mga magaaral, guro nanawagan na tapusin ang semester ABS-CBN News Posted at Nov 26 2020 07:53 AM Share Facebook Twitter LinkedIn Watch also in iWantTFC MAYNILA - Dahil sa pandemya at iba't ibang kalamidad, nanawagan ang mga mag-aaral at teacher ng UP na tapusin na ang semester dahil marami ang hindi nakakasabay sa pag-aaral at hindi umano epektibo ang bagong online setup. Pinirmahan ng 300 faculty members, 200 organisasyon at libo-libong estudyante ang isang panawagan at nag-trending nitong Miyerkoles ng gabi ang #EndTheSemUP matapos ang isang online protest. Nakakasa ngayong Huwebes ng umaga ang isang protest para hikayatin ang UP Board of Regents na dinggin ang kanilang hinaing. Pinangunahan rin ang UP ang mga unibersidad sa bansa sa Quacquarelli Symonds (QS) Rankings 2021. Sa ranking na 69, ito ang kaisa-isang unibersidad sa PIlipinas na nakapasok sa Top 100. UP leads Philippine schools in latest QS rankings of best Asian universities Graduate rin ng UP ang topnotcher ng physician licensure exam ngayong taon. UP grad tops November 2020 physician board exam --Ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News Share Facebook Share on Twitter LinkedIn Teleradyo, EndTheSemUP, UP, UP semester, UP online learning, QS Rankings 2021, online learning, pandemic, typhoons Read More: Teleradyo EndTheSemUP UP UP semester UP online learning QS Rankings 2021 online learning pandemic typhoons