Amihan bahagyang humina, muling lalakas sa Martes

ABS-CBN News

Posted at Nov 26 2017 11:29 AM

Watch also in iWantTFC

Bahagyang humina ang amihan o northeast monsoon na nagdadala ng malamig na hangin tuwing Pasko, ayon sa state weather bureau PAGASA.

Inaasahang Martes o Miyerkules muling lalakas ang amihan at aabot hanggang sa Metro Manila, sabi sa DZMM ni PAGASA meteorologist Aldczar Aurelio.

Samantala, makakaranas aniya ng kalat-kalat na pag-ulan ang silangang bahagi ng Northern Luzon ngayong Linggo dahil sa buntot ng cold front.

Magdadala naman ng pag-ulan at thunderstorms sa Mindanao at Visayas ang intertropical convergence zone (ITCZ) o kaulapang dulot ng pagtatagpo ng hangin mula sa hilaga at timog malapit sa equator.

Wala namang binabantayang bagyo o low pressure area sa bansa, dagdag ni Aurelio. Isa o dalawang bagyo pa aniya ang inaasahan sa bansa bago matapos ang taon.

Para sa iba pang ulat-panahon, bisitahin ang ABS-CBN Weather Center.

Visit the ABS-CBN Weather Center for the latest weather updates.

DZMM, 26 Nobyembre 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.