Mga pamaskong swak sa budget mabibili sa Divisoria

ABS-CBN News

Posted at Nov 25 2021 04:36 PM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA - Puntahan ngayon ang Divisoria ng mga mamimili na naghahanap ng murang pang regalo lalo’t papalapit na ang araw ng Pasko.

Sa mga naghahanap ng mga laruan para sa kanilang mga anak o inaanak tulad ng manika, mayroon mapagpipilian sa halagang P200 hanggang P500. 

Mayroon ding toy cars na nasa P150 hanggang P300.

Para sa mga batang mahilig mag role play, may mga kitchen o cash cashier set na nasa P200 hanggang P220 ang bentahan.

Sa mahilig sa mga bola, nasa P60 ang presyo nito sa Divisoria.

Nasa P100 hanggang P150 naman ang presyo ng mga toy gun.

Pero hindi lamang mga laruan ang matatagpuan sa Divisoria. Meron din makikitang pangregalo para sa matatanda tulad ng mga bag na naglalaro ang presyo sa P100 hanggang P200, tsinelas, relo at iba pa.

- TeleRadyo 25 Nobyembre 2021