PatrolPH

Senior citizen, timbog sa pagpatay umano ng kapitbahay sa QC

Jervis Manahan, ABS-CBN News

Posted at Nov 25 2020 06:47 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA - Matapos ang halos 5 taon, nahuli na ng pulisya ang isang senior citizen na pumatay umano sa kaniyang kapitbahay sa Quezon City.

Kinilala ang suspek na si Narciso Llanes, 65. Nagtago siya matapos mabaril ang kaniyang kapitbahay noong Disyembre 2015.

Nagsimula umano sa simpleng bangayan ang away.

May tauhan siya na nagharang ng motorsiklo sa daan at ito ang naging mitsa kung bakit napatay ni Llanes ang kapitbahay.

Naikot ng suspek ang mga probinsya sa norte sa pagtatago hanggang mahuli siya ng pulisya sa Maragondon, Cavite nitong Martes.

Nakakulong na siya ngayon at nahaharap sa kasong murder.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.