Manila Cathedral, nagkulay pula bilang paggunita sa Red Wednesday

ABS-CBN News

Posted at Nov 25 2020 09:05 AM

Watch also in iWantTFC

MAYNILA - Nangingibaw ang kulay pula sa loob ng Manila Cathedral sa Maynila, Miyerkoles ng umaga.

Ito ay kasunod ng paggunita ng simbahan sa Red Wednesday 2020, isang global event para maalala ang mga taong hindi malayang makasamba dahil sa persekusyon.

Mas espesyal ang paggunita ngayon ng Red Wednesday dahil inaalay din ito para sa frontliners, sa mga nagkaroon ng COVID-19 at mga naging biktima ng mga nagdaang bagyo.

Pula ang kulay ng dugo. Pero ito rin ay kulay ng pag-ibig, katapangan at pag-asa.

Kulay pula ang nangibabaw sa mga pader, kisame at sa altar ng simbahan.

Hiling ng simbahan na sana kapag makita ng mga tao ang kulay pula sa simbahan maalala nila ang mga taong nagdurusa sa COVID-19 at dahil sa mga bagyo.

Bukod sa pagdasal lang, sana mapaisip umano ang tao kung paano matutulungan ang ibang tao gaya ng evacuees, at mga healthcare workers na hindi pa nababayaran.

- TeleRadyo, 25 Nobyembre 2020