Duterte, nagbabala ng mas matinding bakbakan ng militar at NPA

ABS-CBN News

Posted at Nov 25 2017 04:36 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Nagbabala si Pangulong Duterte ng mas matinding engkwentro sa pagitan ng militar at NPA. Ito'y matapos itigil na ng gobyerno ang peace talks sa CPP-NPA-NDF. Ayon din sa pangulo, ipaaaresto niya ang mga pinakawalang miyembro ng NPA, bukod pa sa sinabi niyang mula ngayon ay ituturing na niyang terorista ang CPP. Bwelta naman ng grupong Bayan, ang pag-abandona sa peace talks ay senyales ng pagiging diktador ng pangulo. I-Bandila mo, Mike Navallo. - Bandila, Biyernes, 24 Nobyembre, 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.