PatrolPH

Asukal pinangangambahan na mas tataas ang presyo

Jose Carretero, ABS-CBN News

Posted at Nov 24 2022 07:42 AM | Updated as of Nov 24 2022 07:53 AM

Watch more on iWantTFC

Mataas pa pa rin ang presyo ng asukal sa mga pamilihan.

Sa Mega Q Mart Sa Quezon City, nasa 105 pesos pa rin ang kilo ng refined o white sugar. Ang brown at washed sugar nasa 85 pesos pa rin ang kilo.

Ayon sa mga nagtitinda hindi pa bumababa ang presyo ng mga supplier nila at pinapangambahan pa nga na tataas pa ang presyo nito dahil may abiso na sa kanila na muling magdadagdag ang presyo.

Aminado ang mga nagtitinda ng asukal na marami na sa kanilang costumer ang nagrereklamo sa mataas na presyo.

Ilan sa mga apektado ang mga nagtitinda ng mga pang meryenda na ginagamitan nang asukal.

Tumumal na ayon sa kanila ang bentahan ng mga pang sahog gaya ng saba, kamote langka at macapuno. 

Minsan nabubulukan na na sila ng macapuno dahil kulang na ang bumibili.
Asukal kasi ang gamit para sa pagluto ng minatamis.

Nagtatakarin ang mga nagtitinda kung bakit mataas pa rin ang presyo ng asukal lalot marami ang supply nito.

Samantala tuloy tuloy naman ang pagbebenta ng murang asukal sa tanggapan ng Sugar Regulatory Administration sa Quezon City.

Nasa 70 pesos lang ang presyo nito kada kilo. Pero limitado lang sa limang kilo ang pwedeng bilhin.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.