PatrolPH

LRT 1 magsasara ng ilang araw para sa pagbago ng signalling system

Jekki Pascual, ABS-CBN News

Posted at Nov 24 2021 09:03 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA—Abiso sa mga pasahero, magsasara ang LRT 1 ng 3 magkakahiwalay na araw sa Nobyembre at Enero. 

Walang operasyon ng tren ngayong Linggo, Nobyembre 28, at sa Enero 23 at 30 sa susunod naman na taon.

Ayon sa private operator na Light Rail Manila Corporation, kailangan nilang magsagawa ng test runs at trials para sa pag-upgrade ng signaling system ng LRT 1. 

Ang signaling system ay isang system para maging maayos ang railway traffic. Inaasahan rin ang paggamit ng fourth generation train sets kaya kailangan rin ng mas modernong signaling system.

Humihingi ng paumanhin ang LRMC sa publiko at inaabisuhan ang mga pasahero na pagplanuhin na ang lakad sa mga nasabing petsa. Ang pansamantalang pagsuspindi ng operasyon aniya ay mas makatutulong na maging maayos ang biyahe sa tren.

Samantala, binanggit rin ng LRMC na halos 100 porsiyento ng kanilang empleyado ay fully vaccinated na. Ang LRT 1 ay may biyahe mula Baclaran sa Pasay hanggang Roosevelt sa Quezon City.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.