Isko sinabihan ang mga simbahan: Sumunod kayo sa COVID-19 protocols

ABS-CBN News

Posted at Nov 24 2020 06:50 AM | Updated as of Nov 24 2020 09:15 AM

Watch also in iWantTFC

MAYNILA - Binalaan ni Manila Mayor Isko Moreno ang lahat ng simbahan at mamimili na sumunod sa minimum health standards ngayong papalapit na ang Pasko.

Ang mga simbahan ay pwede magdaos ng samba nang may limitadong tao lamang, paalala ni Moreno matapos sumubok ang isang simbahan na magsagawa ng parada noong weekend.

Kakasuhan ang mga lalabag sa health protocol at mga namumuno sa malalaking pagtitipon, aniya.

Nagbigay din siya ng babala sa mga mamimili sa Divisoria matapos makuhaan ng mga retrato na halos wala nang physical distancing ang mga ito.

Magiikot ang mga barangay official at pulisya na nasasakupan ang lugar para i-monitor ang mga mamimili.

Samantala, pinailawan na ang Christmas tree sa labas ng Manila City Hall at nagsagawa din ng lighting ceremony sa Rizal Park at Intramuros.

--Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News