SAPUL SA CCTV: Pagsalisi sa natutulog na may-ari ng bahay

ABS-CBN News

Posted at Nov 24 2017 12:51 AM

Watch also in iWantTFC

Huli sa CCTV ang panloloob ng isang lalaki sa isang bahay sa Valenzuela City. Sa isang bahagi ng kuha, muntik pang abutan ang kawatan ng may-ari ng bahay. Hinintay ng suspek na makatulog muna ang may-ari bago sumimple sa pagsibat. Natangay ng suspek ang kaha na naglalaman ng tinatayang P150,000. Naaresto rin ang lalaki sa follow-up operations pero P80,000 na lang ang nabawi sa kaniya dahil ipinambili niya na ng cellphone ang pera. Nagpa-Patrol, Doland Castro. TV Patrol, Huwebes, 23 Nobyembre 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.