Home > News 300 pamilya nasunugan sa QC ABS-CBN News Posted at Nov 23 2021 09:58 AM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more on iWantTFC MAYNILA—Higit 300 pamilya ang nagpalipas ng gabi sa mga tent o evacuation center matapos masunog ang kanilang mga bahay sa Barangay Manresa, Quezon City nitong Lunes. Tinatayang nasa halos 120 na bahay ang natupok. Bukod pa sa walang naisalba ang mga nabiktima ng sunog, pahirapan din ngayon ang kanilang sitwasyon sa mga evacuation center. Ang iba ay sa gilid ng kalsada nagtayo ng tent at nakatira, kagaya ni Lily Rose Carbales, na 9 na buwan nang buntis. HIndi niya alam papaano niya bubuhayin ang kaniyang sanggol lalo na't dito lang sila sa bangketa nakatira ngayon. Problemado rin si Joy Salupan kung saan sila titira ng kaniyang 6 na kamag-anak. Ito na ang pangalawang beses na nasunog ang nasabing residential area. Ayon sa Bureau of Fire Protection, nag-umpisa ang sunog sa bahay ng isang ginang. Walang namatay sa insidente. Nasa 55 pamilya ang kasalukuyang nasa Sergio Osmeña Elementary School. May iba ang nasa covered court habang iyong iba ay sa kalsada malapit sa Araneta Avenue nagpalipas ng gabi. Nanawagan silang lahat na sana matulungan sila na magkaroon muli ng panibagong matitirhan o anumang ayuda para sila'y makapagumpisang muli.—Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita. Share Facebook Twitter LinkedIn Viber TeleRadyo, Tagalog news, sunog, fire, blaze, tulong, help, Barangay Manresa, Quezon City, QC Read More: TeleRadyo Tagalog news sunog fire blaze tulong help Barangay Manresa Quezon City QC