'Whistleblowers Act,' isinusulong ng mga empleyado ng gobyerno

ABS-CBN News

Posted at Nov 23 2016 11:58 PM

Watch also in iWantTFC

Pwedeng balikan o i-harass ang mga empleyado ng gobyerno na magsusumbong ng katiwalian sa kanilang opisina. ‘Yan ang pananaw ng grupong Courage na kinabibilangan ng mga government workers. Kailangan umano maipasa ang "Whistleblowers Act" para maproteksyunan ang testigo sa katiwalian gaya ng nag-suicide na direktor ng Energy Regulatory Commission. Nagpa-Patrol, Alvin Elchico. TV Patrol, Miyerkules, 23 Nobyembre 2016