Home > News Command center ng barangay sa Maynila, nasunog Izzy Lee, ABS-CBN News Posted at Nov 22 2022 06:32 AM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more on iWantTFC Nasunog ang command center na nasa unang palapag ng Barangay Hall ng Barangay 306, Zone 30 sa Quiapo, Maynila pasado alas-8 Lunes ng gabi. Kwento ni Kagawad Lloyd Fajardo, kasalukuyan silang nag-momonitor ng kanilang mga CCTV nang bigla na lamang may pumutok. Mabilis namang naapula ang apoy pero natupok ang ilang gamit, kabilang na ang 4 na CCTV monitor na nagkakahalaga ng P100,000 at mga computer. Hindi na kumalat pa sa ikalawang papalapag ang sunog kung saan nag-oopisina ang mga barangay official pero hindi muna ito magagamit dahil nasunog din ang hagdan na ginagamit patungo doon . Hindi naman matitigil ang operasyon ng barangay hall dahil magtatayo sila ng tent sa harap nito na magsisilbing pansamantalang opisina. Wala namang namatay o nasaktan sa insidente samantalang iniimbestigahan pa ng Bureau of Fire Protection ang pinagmulan ng sunog. Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita. Share Facebook Twitter LinkedIn Viber sunog, Quiapo, Maynila, Tagalog news, teleradyo Read More: sunog Quiapo Maynila command center Barangay 306 Tagalog news