PatrolPH

Motorcycle rider, sugatan umano dahil sa humps

Jekki Pascual, ABS-CBN News

Posted at Nov 22 2021 06:17 AM

Watch more on iWantTFC

Sugatan ang isang motorcycle rider matapos sumemplang ang minamanehong motor sa Tondo, Maynila Lunes ng madaling araw.

Makikita sa CCTV na bigla na lang natumba ang motorsiklo sa may Bugallon Street sa Barangay 209. 

Ayon sa paunang impormasyon ng barangay, dumaan ang motorsiklo sa dalawang magkasunod na humps sa kalsada. Pagkatapos dumaan sa unang hump ay bahagyang gumewang na ang motor pero sa pangalawang hump ay natumba na ito agad.

Nagtamo ng sugat sa mukha at iba pang parte ng katawan ang rider na sinasabing wala umanong suot na helmet. 

Inaalam rin ng barangay kung naka-inom ba ang lalaki. Dinala naman agad sa ospital ang rider.

Paalala ng mga taga-barangay, mag-ingat lagi sa pagmamaneho ng motor lalu na sa gabi at idouble check lagi kung dadaan sa residential areas na karaniwan ay may mga humps ang kalsada.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.