Home > News Boto Mo Karerin Natin 'Yan: 'Fake news' naglipana sa YouTube? ABS-CBN News Posted at Nov 20 2021 02:27 PM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more News on iWantTFC Tumindi pa ang pagkonsumo ng mga Pilipino sa iba't ibang social networking sites at video streaming sites nang magsimula ang pandemya noong nakaraang taon. Isa sa hit video streaming sites ngayon sa Pilipinas at maging sa buong mundo ang YouTube. Marami sa mga kababayan natin ang babad sa panonood dito o 'di kaya ay gumagawa mismo ng sarili nilang video at inilalagay ito sa kanilang channel. Ngayong papalapit na ang halalan, pinapasok na rin ng mga politiko ang YouTube bilang istratehiya upang makakalap ng boto at makapangampanya. Dahil dito, may mga naglipana umanong YouTube channels na nagpapanggap na lehitimong grupo o organisasyon na nagbibigay ng maling balita, impormasyon at maging mga kasinungalingan. Paano ba natin malalaman kung ang channel na sinusubaybayan natin ay mapagkakatiwalaan? Anong papel ang gagampanan ng YouTube sa darating na May 9, 2022? Panoorin ang panayam nina Karen Davila at aktor na si Ricci Chan kay Now You Vote 2022 Program Head Josh Mahinay at ang singing performance ng SPED teacher sa Amerika na si Maida Ruth sa 'Boto Mo Karerin Natin 'Yan #UsapangHalalan2022.' Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Halalan, Halalan 2022, Karen Davila, Kumu Read More: Halalan Halalan 2022 Boto Mo Karerin Natin 'Yan Karen Davila Ricci Chan Josh Mahinay Kumu FYE channel