PANOORIN: Burol isinagawa sa evacuation center sa Caloocan

ABS-CBN News

Posted at Nov 17 2021 10:59 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA - Mag-iisang linggo na nang masunog ang isang residential area sa Malaria, Caloocan City. Ang mga nasunugan sa evacuation center muna malapit sa pinangyarihan ng sunog pansamantalang naninirahan.

Bukod pa sa mga modular tents na nakapuwesto dito sa lugar, doon na rin isinagawa ang burol sa dalawang bata, may edad isa at pitong taong gulang, na namatay sa insidente.

Ayon kay Carmina Dela Pena, kaarawan dapat ng kaniyang anak noong Lunes. Naabutan na sila ng mga ayuda at tinulungan sila ng lokal na pamahalaan na mabigyan ng maayos na burol ang mga bata.


Pero ngayong nalalapit na ang kapaskuhan, dasal niya na sana matulungan silang maipatayo muli ang nasunog nilang bahay kung saan nandun ang alaala ng mga yumao niyang anak.

Bukod pa sa kanila, nasa mahigit 30 pamilya o 70 indibidwal ang nasa evacuation center. Naabutan na sila ng pagkain, damit, hygiene kits at iba pa.


Unang sinabi sa kanila na hanggang Sabado na lang sila doon pero wala pang balita kung saan sila irerelocate.

Hindi pa nakakakuha ang news team ng panig mula sa barangay officials dito sa lugar.


- TeleRadyo 17 Nobyembre 2021