Pagkain, tubig, housing materials hiling ng mga residente ng Catanduanes

ABS-CBN News

Posted at Nov 17 2020 08:21 AM

Watch also in iWantTFC

MAYNILA - Nangangailangan ng housing materials, pagkain, at tubig ang mga residente ng Catanduanes matapos ang hagupit ng ilang bagyo.

Isolated pa rin ang ilang barangay at hindi maabutan ng ayuda dahil naputol ang tulay na nagkokonekta sa mga ito.

Napaliligiran ng ilog ang Barangay Obo kaya ang tanging paraan para makatawid ay gamit ang isang bangka. Sa Barangay Salvacion, nilalakad ng mga residente ang natitirang lupa at pira-pirasong tulay.

Sa Barangay Sagrada naman, naputol ang steelway at nirepaso ito ng mga residente gamit ang pinagtagpi-tagping kahoy.

Nasa 90 porsyento ng imprastuktura sa probinsiya ang nasira simula ng pananalasa ng Bagyong Quinto, Siony, Rolly, at Ulysses.

Tantiya ng mga lokal na disaster official, maaaring dalawa o higit pang taon bago makabangon ang Catanduanes.

--Ulat ni Jacque Manabat, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.