Ferry terminal sa Binangonan, Rizal lubog pa rin sa baha

ABS-CBN News

Posted at Nov 17 2020 08:30 AM

Watch also in iWantTFC

MAYNILA - Lubog pa rin sa baha ang ilang kalsada at ang ferry terminal sa Binangonan, Rizal nitong Martes, ilang araw matapos ang pananalasa ng bagyong Ulysses.

Gumawa ang lokal na pamahalaan ng kawayang tulay upang makatwaid ang mga residente sa terminal at makasakay ng bangka papunta sa mga barangay islands.

Napilitan namang lumipat ang mga tindero sa kalsada dahil lagpas tuhod ang sa kanilang mga puwesto.

"Tiyaga lang po. Noon po ang daming mamimili, ngayon kaunti na lang po. Lagpas tuhod po, simula nung nagkabagyo di po siya bumaba," ani Rosa, isang tindera.

--Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News