Full operation, hingi ng grupo ng provincial bus

ABS-CBN News

Posted at Nov 16 2021 06:13 PM

Watch more on iWantTFC

Nanawagan ang grupo ng mga provincial bus para sa full operation ng biyahe lalo na sa bahagi ng Northern Luzon.

Sa panayam sa TeleRadyo ngayong Martes, sinabi ni Vincent Rondaris, pangulo ng Nagkakaisang Samahan ng Nangangasiwa ng Panlalawigang Bus sa Pilipinas Incorporated, tila nakalimutan na ng gobyerno ang mga provincial bus, lalo’t nabubuksan na halos lahat ng sektor ngayong niluwagan na ang COVID-19 restriction sa bansa.

Sa kanilang hanay aniya, nasa 3 to 8 porsiyento pa lang ng mga bus ang bumibiyahe at karamihan ay biyaheng south.

Problema aniya ng provincial bus ang magkakaibang quarantine protocols ng mga lalawigan sa norte at ang end point sa North Luzon Express Terminal sa Bocaue, Bulacan.

Ayon kay Rondaris, mas gusto nilang gumamit ng pribadong terminal dahil sa health reasons.

“Pananaw namin na mas maige na sa private terminal kami bumagsak. Kasi una po, for medical reasons, mas maganda kung 'di crowded. Kasi, ang konsepto po sa NLET, sama-sama kaming lahat doon na mga land transport. So mas madali po, for medical perspective din, na doon kami sa private terminal dahil reduced capacity din po kami. Mas madaling mag-manage at mag-check ng mga pasahero,” sabi ni Rondaris.

- TeleRadyo 16 Nobyembre 2021