Bato handang makulong kung labag sa batas ang biyahe sa Las Vegas

ABS-CBN News

Posted at Nov 14 2016 10:37 PM

Watch also in iWantTFC

Handa si PNP chief Ronald dela Rosa na makulong kung mapatutunayang lumabag siya sa batas. Ito'y sa harap ng isinasagawang imbestigasyon ng Ombudsman sa panlilibre ni Senator Manny Pacquiao kay Dela Rosa at pamilya niya para manood ng laban nito sa boxing sa Las Vegas. Nagpa-Patrol, Jeff Canoy. TV Patrol, Lunes, 14 Nobyembre 2016