Dating Comelec commissioner tinalakay patakaran sa substitution ng kandidato

ABS-CBN News

Posted at Nov 13 2021 10:41 AM | Updated as of Nov 13 2021 10:44 AM

Watch more News on iWantTFC

Marami pa rin ang nag-aabang sa mga kandidatong maguurong ng kanilang kandidatura para sa halalan sa susunod na taon at mga taong posibleng pumalit sa kanila sa pwesto dalawang araw bago ang itinalagang deadline ng Commission on Elections (Comelec) para dito.

Ayon sa Comelec, hanggang Nobyembre 15 na lamang ang takdang panahong ibinibigay sa mga kandidato para sa withdrawal at substitution.

“Kung ang dahilan ng pagsa-substitute ay may nag-withdraw na kapartido mo, puwedeng magkaroon ng substitution sa Nov. 15,” pahayag ni Luie Guia, dating Comelec commissioner.

Sa panayam sa TeleRadyo Sabado ng umaga, ipinaliwanag ni Guia ang batas tungkol sa mainit na usapin ng substitution.

— TeleRadyo 13 Nobyembre 2021