3 'high-value target' nahulihan ng P5.7-M na shabu sa Maynila

ABS-CBN News

Posted at Nov 13 2019 08:05 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Nahulihan ng P5.7 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang 3 "high-value target" sa Tondo, Maynila ngayong Miyerkoles. 

Inaresto ang 2 lalaki at isang babaeng suspek na galing pa sa Mindanao matapos silang magbenta ng droga sa mga operatiba sa kanto ng Simeon De Jesus Street at Malaya streets. 
 
Nasa 850 gramo ang drogang nakuha sa mga suspek na matagal na umanong tinitiktikan ng pulisya at hinihinalang kasapi ng isang sindikato. 

"Siguro dahil sila iyong mga kilala, trusted, sila ang pinagdadala [ng droga] kung saan man," ani Manila police chief Brig. Gen. Bernabe Balba. 

Pinangalanan ng mga suspek ang iba pang drug personality na iniimbestigahan na ng mga pulis. 
 
DZMM, Nobyembre 13, 2019 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.