[CMSAbstractTransformation.DataBind]: Object reference not set to an instance of an object.

Presyo ng lechon sa La Loma, inaasahang tataas habang papalapit ang Pasko

ABS-CBN News

Posted at Nov 12 2021 09:49 AM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA - Ramdam na ang paglakas ng negosyo ng mga nagtitinda ng lechon sa La Loma, Quezon City kahit 43 araw pa bago ang Pasko.

Pero dahil tawid-dagat pa kinukuha ang kanilang supply ng mga baboy o mula Visayas at Mindanao, ramdam na rin ng mga negosyante ang epekto nito sa kanilang negosyo.

“Hindi rin natin matatantiya magkano idadagdag nila. Nasa biyahero 'yun, wala sa atin dito,” sabi ng negosyanteng si Luring Atencio.

Simula anila noong huling linggo ng Oktubre, bahagya nang tumaas ang presyo ng lechon sa lugar.

Dahil tawid-dagat ang supply, sa ngayon ay naglalaro sa halagang P6,000 hanggang P10,000 ang ibinebenta nilang lechon depende sa laki at inaasahan pa na tataas pa ito sa mga darating na linggo.

Inaasahan din ng mga negosyante na lalakas pa ang kanilang negosyo sa mga darating na linggo.

- TeleRadyo 12 Nobyembre 2021