Tulong apela ng mga pamilyang nasagip mula sa gumuhong pader sa Ermita

ABS-CBN News

Posted at Nov 12 2020 02:06 PM

Watch also in iWantTFC

MAYNILA - Inilipat na sa mas malaking evacuation center ang 51 pamilyang nasagip mula sa gumuhong pader sa Ermita, Maynila.

Kasalukuyang nasa Aurora A. Quezon Elementary School ang mga residente mula sa Ermita Church kung saan una silang dinala matapos na masagip ng tauhan ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office.

Gumuho ang pader at nabagsakan ang mga katabi nitong bahay sa kasagsagan ng malakas na ulan at hanging dala ng bagyong Ulysses.

Humihingi naman ng tulong ang mga residente ng Barangay 668 at 669 dahil karamihan sa kanila ay walang nabitbit na damit nang ma-rescue. 

Inaasikaso naman ang mga residente ng mga tauhan ng Department of Social Welfare and Development.

- TeleRadyo 12 Nobyembre 2020

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.