PatrolPH

7 fishing boat na mula pa sa Navotas huli umano sa trawling sa Cavite

ABS-CBN News

Posted at Nov 11 2021 09:07 AM | Updated as of Nov 11 2021 09:33 AM

Watch more News on iWantTFC

MANILA—Huli sa akto ng Philippine Coast Guard ang 7 bangkang ilegal umanong nangingisda sa parte ng Cavite City nitong Miyerkoles.

Nagsasagawa ng seaborne patrol nang mamataan ang mga naturang bangkang nagsasagawa umano ng trawling, 2.5 nautical miles mula sa Sangley Point.

Ipinagbabawal ito dahil sa nasisira ang seabed tuwing hinihinala ng bangka ang lambat.

Nakukuha kasi sa ganitong paraan ang lahat ng sukat at klase ng isda, kahit ang mga hindi dapat makuha.

Nasa 33 mangingisda ang lulan ng mga bangka na dumayo pa mula Navotas City.

Dahil sa paglabag sa ordinansa ng Cavite City na pagbabawal ng trawling sa loob ng municipal waters, in-impound muna ang mga bangka habang isinasagawa ang imbestigasyon.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.