Marcos, bibigyan ng full military honors sa libing

ABS-CBN News

Posted at Nov 09 2016 11:05 PM

Watch also in iWantTFC

Nakatakdang gawaran ng full military honors ng Philippine Army si dating Pangulong Ferdinand Marcos oras na matuloy ang kanyang paglibing sa Libingan ng mga Bayani. Pero nilinaw ng Army na nasa pamilya Marcos pa rin ang desisyon kung full military honors o simpleng seremonya lang ang igagawad sa dating pangulo. Nagpa-Patrol, Raffy Santos. TV Patrol, Miyerkules, 9 Nobyembre 2016