Albuera Mayor Espinosa, patay matapos mabaril sa kulungan

ABS-CBN News

Posted at Nov 05 2016 09:27 PM

Watch also in iWantTFC

Napatay ang nakakulong na mayor ng Albuera, Leyte at isa pang preso matapos umanong manlaban sa mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na maghahalughog sana sa kanilang selda. Marami ang nagtaka kung paano ito nangyari, pati na mismo si Philippine National Police (PNP) chief Ronald "Bato" Dela Rosa. Kaya gusto ni Senador Panfilo "Ping" Lacson na ituloy ang imbestigasyon ng senado sa extra-judicial killings. Ang problema, nawawala raw ang hard drive na naglalaman ng mga kuha ng closed-circuit TV (CCTV) system ng kulungan. Nagpa-Patrol, Ranulfo Docdocan. TV Patrol, Sabado, 5 Nobyembre 2016