Pagbabalik ng suplay ng kuryente matapos ang bagyo hamon pa rin sa Or. Mindoro

ABS-CBN News

Posted at Nov 04 2020 12:41 PM

Watch also in iWantTFC

MAYNILA - Nananatiling hamon para sa lalawigan ng Oriental Mindoro ang pagpapakumpuni sa linya ng kuryente na nasalanta ng bagyong Quinta.

“Malaking problema po natin ma-restore linya ng lahat ng kuryente kasi kasalukuyang maraming barangay ang wala pa ring kuryente,” pahayag ni Oriental Mindoro provincial administrator Hubert Dolor.

Sa panayam sa TeleRadyo, sinabi ni Dolor na matatagalan pa ang restoration dahil sa ngayon ay nasa 50 percent pa lang ng mga kabahayan ang naibalik na ang power supply.

Bukod sa kuryente, patuloy pa ring nagaabot ng relief ang lokal na pamahalaan sa mga nasalanta ng bagyo. 

Magbibigay din sila ng mga bangka sa mga mangingisdang nawalan ng hanap-buhay dahil din sa bagyo.

TeleRadyo 4 Nobyembre 2020 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.