PatrolPH

P1.7-M halaga umano ng droga nasabat sa Bulacan; delivery rider tiklo

Lyza Aquino, ABS-CBN News

Posted at Nov 03 2021 07:24 AM | Updated as of Nov 03 2021 07:35 AM

Watch more News on iWantTFC

Sa kulungan ang bagsak ng 1 lalaki matapos niyang kumagat sa anti-drug operation ng pulisya sa Barangay Gaya-Gaya, lungsod ng San Jose del Monte, Bulacan.

Ayon kay Police Brig. Gen. Matthew Bacay, direktor ng PNP Region 3,
may edad 45 anyos ang suspek at residente ng Parañaque. 

Namamasukan siya bilang food delivery rider, pero suma-sideline din umano sa pagbebenta ng ilegal na droga sa Metro Manila at karatig probinsya.

Gamit ang P200,000 ay nakipagtransaksyon ang mga pulis sa mga suspek. Nang magpositibo ang palitan ng droga at pera ay doon siya inaresto.

Nasamsam sa kaniya ang 250 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P1.7 milyon. Mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.