PatrolPH

P1.7 milyong halaga ng hinihinalang shabu kumpiskado sa Bulacan

Lady Vicencio, ABS-CBN News

Posted at Nov 02 2021 06:21 AM

Watch more News on iWantTFC

Bulto-bulto ng hinihinalang shabu ang nasabat sa isinagawang operasyon ng PNP drug enforcement group sa lungsod ng San Jose Del Monte, Bulacan.

Nangyari ang buy-bust operation sa Daang Barrio Gaya-Gaya kung saan isang lalaki, 45, ang sumipot.

Bitbit niya ang 1 paper bag na naglalaman ng 6 na pakete ng hinihinalang shabu. 

May kabuuang bigat itong 250 grams at nagkakahalaga ng P1.7 milyon.

Sa imbestigasyon, lumalabas na isang food delivery rider ang suspek at residente sa Sucat, Parañaque.

Inaalam pa kung saan nanggagaling ang suplay ng droga at ang kanyang mga koneksyon sa pagtutulak nito.

Walang piyansa ang kasong pagbebenta ng ilegal na droga na haharapin ng drug suspect.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.