PatrolPH

Supply ng kuryente naibalik na sa Mauban, Quezon

ABS-CBN News

Posted at Nov 02 2020 08:03 AM | Updated as of Nov 02 2020 08:04 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA - Naibalik na ang kuryente sa Mauban, Quezon at mga karatig-bayan nitong Lunes matapos ang pananalasa ng bagyong Rolly.

Tinumba ng malalakas na hangin ng bagyo ang mga poste ng kuryente sa bayan nitong Linggo.

Ngayong Lunes, wala nang malakas na ulan at hangin ngunit makulimlim pa rin ang panahon.

Wala pa namang naiuulat na heavy damage ang mga awtoridad, ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO).

--Ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.