Ilang kilalang personalidad, nakahimlay sa Manila South Cemetery

ABS-CBN News

Posted at Nov 01 2017 09:34 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Maraming personalidad sa larangan ng pulitika, showbiz at iba pa ang nakahimlay sa 25-ektaryang Manila South Cemetery.

Kabilang dito ang dating mayor na si Leon Guinto na nagsilbi mula Commonwealth period hanggang post war era.

Nandito rin ang dating kongresistang si Augusto Francisco at dating Manila Mayor Ramon Bagatsing.

Nakalibing rin dito si Justice Jose Abad Santos na saglit na naging acting president at commander in chief ng Armed Forces of the Philippines noong World War II.

Sa mundo ng showbiz, dito nakahimlay si Cornelia Lee o Tita Angge, isang kilalang talent manager at dating aktres.

Narito rin si Lucresia Kasilag na national artist for music taong 1989.

Ang manunulat na si Lope K. Santos ay narito din. Siya ang kauna-unahang manunulat ng grammar book sa Filipino.

Ang kapatid ni Andres Bonifacio na si Espiridiona Bonifacio ay narito din.

Ang ika-anim na pangulo ng Pilipinas na si Elpidio Quirino ay nalipat na din nung nakaraang taon sa Libingan ng mga Bayani. Pero naging landmark na ang dati niyang pinaghimlayan. – Umagang kay Ganda, 1 November 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.