Home > News Ilang residente ng Real, Quezon nagkusa nang lumikas ABS-CBN News Posted at Oct 31 2020 03:25 PM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more News on iWantTFC MAYNILA - Ang bayan ng Real sa lalawigan ng Quezon ang isa sa mga posibleng salpukin ng daluyong na dala ng bagyong Rolly. Kaya Sabado pa lamang ng umaga nagkusa na ang mga residente na lumipat sa paanan ng bundok ng Sierra Madre at doon nakituloy muna sa kanilang mga kamag-anak. Sa karanasan ng Real, nabiktima ang bayan noong 2004 nang matinding landslide, kaya malaking peligro ang hinaharap ng mga tao rito. Maging ang mga maliliit na bangka ay iniligpit na muna bago pa man dumating ang bagyo. Sabi kahapon ng lokal na pamahalaan, Sabado ng hapon magsisimula ang evacuation pero madaling napakiusapan ang mga tao at sila mismo ang kusa nang lumikas. - Headline Pilipinas, 31 Oktubre 2020 Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Bagyong Rolly, Typhoon Rolly, Real, Quezon, evacuation, Philippine typhoon October 2020, Philippines weather October 2020 Read More: Bagyong Rolly Typhoon Rolly Real Quezon evacuation Philippine typhoon October 2020 Philippines weather October 2020