Home > News ALAMIN: Presyo ng mga bilihin sa Pasay City public market ABS-CBN News Posted at Oct 30 2021 02:08 PM Share Facebook Twitter LinkedIn Viber Watch more News on iWantTFC MAYNILA— Tumaas ang presyo ng kasim sa Pasay City Market habang nakapako naman ang presyo ng ilan pang meat at fish products at gulay. Mula P270 hanggang P290, nasa P320 hanggang P330 na ang kada kilo ng local kasim, na ayon sa ilang grupo ay epekto ng pagtaas ng presyo ng petrolyo. Wala namang pagbabago sa presyo ng ilan pang mga produkto gaya ng liempo (P340-P360/kilo); manok (P150/kilo) bangus (P160-P170/kilo); at tilapia (P100-120). Nasa P275 naman hanggang P280 ang frozen liempo at P220 hanggang P225 ang presyo ng frozen kasim. Nakapako rin ang presyo ng ilang lowland at highland na gulay. — Teleradyo, Sabado, 30 Oktubre 2021 Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita. Share Facebook Twitter LinkedIn Viber PatrolPH, Tagalog News, Teleradyo, Bida Konsumer, Price Patrol Read More: Pasay City Market public market kasim meat products Price Patrol vegetables