2 umano'y miyembro ng gun-for-hire patay sa Rizal

ABS-CBN News

Posted at Oct 29 2020 07:20 AM

Watch also in iWantTFC

MAYNILA - Patay ang 2 lalaking umano'y miyembro ng gun-for-hire group nang maka-engkuwentro ng pulisya sa Pililla, Rizal nitong Miyerkoles.

Sa isang operasyon ng Philippine National Police-Anti Kidnapping Group, nagkunwari ang mga ahente na bibili ng armas at nagbayad ng P30,000 sa suspek.

Nang magpositibo ay inaresto na ang mga lalaki at dito nagkapalitan ng putok.

Nakuha sa crime scene ang limang kalibre .45 na loaded ng mga bala at ang motorsiklo ng mga suspek.

--Ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.