Ilang residente ng Calumpit, Bulacan, dumiskarte para makatawid sa baha

ABS-CBN News

Posted at Oct 27 2020 09:26 AM | Updated as of Oct 27 2020 10:08 AM

Watch also in iWantTFC

MAYNILA - Kaniya-kaniyang diskarte ang ginawa ng mga residente sa isa sa nalubog na barangay sa bayan ng Calumpit sa Bulacan.

Maraming residente ang nasa bubong na ngayon sa Barangay Bulusan dahil umabot na sa unang palapag ng kanilang bahay ang baha.

Para makapasok pa rin sa trabaho, gumawa ng paraan ang ilang mga residente nang makatawid sa baha.

Marami ang nagsuot ng waterproof na overall at bota para makalusong sa baha.

Mayroon din lumusong ng baha hila-hila ang isang baldeng naglalaman ng kaniyang mga gamit.

Isa ang barangay ng Bulusan sa pinakabinahang lugar sa Calumpit.

Maging ang elementary school at simbahan at pangunahing kalsadang papasok sa barangay ay lubog sa tubig baha.

Hindi nakakapasok ang mga sasakyan dahil sa taas ng tubig.

Ayon sa Calumpit Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, bukod sa Barangay Bulusan, lubog din sa baha ang Barangay San Miguel at Meysulao.

TeleRadyo, 27 Oktubre 2020

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.