PatrolPH

3 tiklo, umano’y shabu na may halagang P500-k nasabat sa Maynila

Lady Vicencio, ABS-CBN News

Posted at Oct 26 2021 06:31 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA—Timbog ang 3 drug suspect sa ikinasang buy-bust operation ng Manila Police District Drug Enforcement Unit sa Quiapo.

Parte ito ng operasyon kung saan target ang isang alyas Vilma o alyas Madame.

Sumipot siya kasama ang 1 lalaking kinilalang si alyas Wil.

Nangyari ang transaksyon sa Casal corner Arlegui Streets kung saan nagbenta ang target ng P500 halaga ng hinihinalang shabu sa poseur buyer.

Isang caliber-35 na baril naman ang kinumpiska kay Wil.

Sa follow-up operation, arestado rin si alyas Mira na kasama rin umano nila sa pagtutulak ng droga. Lumalabas sa imbestigasyon na mga residente ng Baseco compound ang 3.

Sampung pakete ng hinihinalang shabu ang nakuha sa kanila na abot sa higit P526,000 ang halaga.

Paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang haharapin nila habang kakasuhan din ng illegal possession of firearms and ammunition ang lalaking suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.