Ladyguard, sinuntok ng lalaki

ABS-CBN News

Posted at Oct 26 2018 10:01 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Sinuntok ng isang lalaki ang babaeng security guard ng isang village sa Parañaque.

Sa kuha ng CCTV sa BF Northwest Village noong Oktubre 16, kita ang isang kotse sa Agana gate.

Bagamat para lang sa mga residente ang gate, gusto ritong dumaan ang isang lalaki at babae na hindi pinayagan ng babaeng security guard.

Nagtalo ang lalaki at lady guard na nauwi sa tulakan at panununtok.

Nagtamo ng black eye at nanakit ang katawan ng lady guard.

Walang plaka ang sasakyan kaya tinutunton pa kung sino ang may ari nito base sa nakitang conduction number.

Posibleng maharap sa mga kasong serious physical injuries at violence against women and children ang lalaki. - Umagang kay Ganda, 26 October 2018

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.