Home > News Alak, sugal, droga: Ilan sa mga bawal sa loob ng Manila North Cemetery ABS-CBN News Posted at Oct 26 2018 09:40 AM | Updated as of Sep 15 2019 04:45 PM Share Facebook Twitter LinkedIn Watch also in iWantTFC Handa na ang pamunuan ng Manila North Cemetery sa inaasahang pagdagsa ng mga bibisita sa mga libingan sa darating na Undas. Ayon kay Director Daniel Tan, sa Oktubre 29 ang huling araw ng pagaayos, paglilinis at pagpipintura ng mga puntod. Bawal na rin ang magpasok ng sasakyan simula alas-12 ng hatinggabi ng Oktubre 30 hanggang Nobyembre 2. Sa Nobyembre 1, alas-12 ng tanghali naman bubuksan at gagawing exit gate ang Gate 2 at 3 ng sementeryo sa A. Bonifacio Avenue. Wala rin munang pagpapalibing na magaganap mula Oktubre 30 hanggang Nobyembre 2. Pinaalalahanan rin ang publikong pupunta sa naturang sementeryo na ipinagbabawal ang pagddala ng kutsilyo, ice pick, screw driver, itak at iba pang matatalim at matutulis na bagay. Bawal din ang speaker, gitara at iba pang bagay na magdudulot ng ingay. Hindi rin pwedeng magdala ng flammable materials tulad ng thinner at gas. Hindi rin pahihintulutan ang pagdala ng nakalalasing na inumin, ilegal na droga at anumang bagay na may kinalaman sa sugal. Noong nakaraang taon, umabot sa higit isang milyong katao ang bumisita sa Manila North Cemetery. - Umagang kay Ganda, 26 October 2018 Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita. Share Facebook Share on Twitter LinkedIn sementeryo, Umagang kay Ganda, Manila North Cemetery, tagalog news Read More: sementeryo Umagang kay Ganda Manila North Cemetery tagalog news