Panloloob ng 3 magnanakaw sa isang gusali, sapul sa CCTV

ABS-CBN News

Posted at Oct 26 2017 04:17 PM

Watch also in iWant or TFC.tv

Arestado ang 3 lalaki matapos magnakaw sa isang bodega ng softdrinks sa Sampaloc, Maynila.

Natangay ng mga lalaki ang mahigit P60,000 cash, 2 checkbook at 3 cellphone.

Pasado hatinggabi kahapon nang mangyari ang insidente na nakuhanan pa ng CCTV.

Isang oras daw ang itinagal ng mga suspek sa loob ng bodega.

Agad namang nahuli ang dalawa sa mga suspek na kinilalang sina Eduardo Velasquez at Ruben Perez.

Umamin sila na nagnakaw pero tig-P3,000 lang daw ang nakuha nila.

May isa pa daw silang kasama na si Alyas Balong na di pa nahuhuli sa ngayon.

May nagpakilala din witness sa insidente na kinilalang si Ryan Perez. Pero nabuko ng mga pulis na kasabwat siya ng mga suspek.

Kapatid daw ito ng isa sa mga magnanakaw at nagsilbi pang lookout.

Hindi na narekober pa ang mga nanakaw na pera at cellphone.

Nakatakdang kasuhan ng robbery ang mga suspek. - Umagang kay Ganda, 26 October 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.