PatrolPH

Higit P500,000 halaga ng ecstasy kumpiskado

Lady Vicencio, ABS-CBN News

Posted at Oct 25 2021 07:24 AM | Updated as of Oct 25 2021 07:49 AM

Watch more on iWantTFC

Higit dalawang daang tableta ng party drugs na ecstasy ang nasabat sa isinagawang operasyon ng PNP Drug Enforcement Group.

Ipinadala ang naturang droga mula Germany at naharang ng Ninoy Aquino International Airport Inter-Agency Drug Interdiction Task Group ang kahina-hinalang package.

Nang buksan ito, kumpirmadong ecstasy ang laman ng padala na abot sa higit P508,000 ang halaga.

Ikinasa ang controlled delivery operations sa Barangay 49, Dagupan Street, Tondo, Maynila kung saan sumipot ang lalaking kumuha ng padala.

Kinilala ang lalaki na 22 anyos na residente rin sa Tondo.

Inaalam pa naman ang pagkakakilanlan ng nagpadala ng package mula Germany.

Magkapatong na paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act at Comprehensive Dangerous Drugs Act ang haharapin ng lalaking kumuha ng padala.

ABS-CBN TeleRadyo, October 25, 2021

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.