PatrolPH

Mga bisita sa mga sementeryo sa Navotas kailangan ng cemetery pass

Lyza Aquino, ABS-CBN News

Posted at Oct 25 2021 07:23 AM

Watch more on iWantTFC

Tulad sa ibang mga lungsod ay sarado din ang lahat ng mga sementeryo at kolumbaryo sa Navotas simula October 29 hanggang November 2.

Kaugnay niyan ay naglatag ng mga panuntunan ang lokal na pamahalaan para sa mga lahat ng mga nais bumisita sa mga sementeryo sa lungsod bago ito isara sa darating na weekend.

Kinakailangan kumuha ng cemetery pass ang mga bibisita, 3 araw bago ang target nilang petsa ng pagbisita sa sementeryo. 

Kailangan i-text ang pangalan, address, age, sementeryo na nais puntahan, oras at petsa ng pagbisita sa mga sumunod na Text JRT numbers:

TEXT JRT NUMBERS 

  • Globe: 0915-2601385
  • Smart: 0908-8868578
  • Sun: 0922-8888578

Hintayin ang reply na matatanggap sa Text JRT para sa cemetery pass. 

Tatlong miyembro kada pamilya lang ang puwedeng gumamit ng pass na ito alinsunod sa schedule na nakalagay.

Kailangan magpakita ng valid ID kasama ang pass pagdating sa sementeryo. Bawal ang mga menor de edad at senior citizen na pumunta sa sementeryo.

Bukod pa diyan, iwasang magdala ng pagkain, inuming nakakalasing, matatalim na mga bagay at loud speakers. Bawal rin ang pagsusugal sa loob ng sementeryo. Kailangan sumunod sa safety protocols gaya ng pagsusuot ng face mask at pagsunod sa physical distancing.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.